Litratong Pinoy

Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy ngayong Huwebes na may temang

Ayaw ko!

Pagdating sa photography, ayaw ko ng:

  • malabong kuha (blurred) na dulot ng camera shake
  • mali ang settings ng camera ko
  • mali ang composition ko
  • mali ang focusing ko

Kapag passionate ako sa isang bagay, gusto ko na tama ang ginagawa ko at ayaw ko na nagkakamali. Kaya pag pangit o mali ang mga kuha kong litrato, naiinis ako at nanghihinayang dahil may mga pagkakataon na minsan ko lang makakukuhanan, mali pa pala ako.

Ang asawa ko ang aking mentor/coach pagdating sa photography. Kahit minsan ay napagsasabihan ako ng asawa dahil madalas akong magkamali sa pagkuha ng litrato, natutuwa at nagpapasalamat ako na pinagtya-tiyagaan niya akong turuan.

Sana balang araw, maisaulo kong lahat ng dapat kong malaman sa photography para maiwasan ang nga reject ng litrato ko.

Maligayang Huwebes!

Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy para sa dalawang Huwebes na may temang:

Liwaliw (14 Agosto) at Mithi (21 Agosto)

Liwaliw sa Dubai:

Ito ang liwaliw na pinaka-paborito ko sa lahat dahil sa sobrang ganda ng lugar na ito at mga kaibigan na aking nakilala. Sa unang litrato makikita ang 7-star hotel ng Dubai na tinatawag na Burj Al Arab. Ang pangalawang litrato naman ay ipinapakita ang Abra Boat na sasakyang gamit ng mga lokal para makatawid sa Dubai Creek. At ang huling larawan ay kuha sa Gold Souq kung saan maninilaw ang iyong mga mata sa sobrang dami ng alahas na makikita mo.

Para sa mga iba pang litrato, heto ang links sa aking Dubai Itinerary (click click click on the links below please):

Good Morning Dubai

One Day in Abu Dhabi

Chris’ Despedida with Bafco Friends at Deira City Centre

Karama Souvenir Shopping

Burjuman Mall

Dubai Creek, Spice Souq and Gold Souq

Al Ghurair City

BAFCO and Deira City Centre

Bastakia Quarter and Bastakia Quarter in Lomo

Jumeirah Beach and Dhow Cruise

Belladonna at Burjuman and Second Cup at City Centre

Desert Safari

Al Safa Park and Mall of the Emirates

Wafi City and Dinner at Seville’s

Skyview Bar, Burj Al Arab

Ski Dubai and Irish Village

Big Bus Tour and Festival City and Reunion with EastWestBankers

Ibn Batuta Mall

Madinat Jumeirah – The Arabian Resort

Dubai Musuem

Vu’s Bar (Emirates Tower) and Bahri Bar (Madinat Jumeirah)

Goodbye Dubai

Ang aking Mithi:

Na sana ay makapunta akong muli sa Dubai at makapag-liwaliw pa ng mas mahabang panahon.

Maligayang Huwebes!

Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy para sa linggong ito na may temang AKO (o parte ko).

Siya si Bandido, ang asawa ko. Bandido ang alias nya sa dati naming trabaho kung saan dun ko rin siya nakilala. Nitong nakaraang Martes lamang may nagtanong sa akin kung bakit Bandido ang tawag ko sa kanya, at eto ang sagot ko:

“ang history nun ay nanggaling sa dati naming workplace. yes, office romance ang drama namin hehehe. in the department where he belonged, there were two christophers…so pag nagtawag ang boss ng “Christopher!” dalawa silang tumatayo…so yung isang officemate namin, bigla syang tinawag na “Crispulo Bandido” (i think that name came from an old pinoy movie–not sure) na na-shorten into “Bandido”, na may variations pa na “Bands” or “Bandits”. simula noon, yun na ang naging pangalan nya sa buong company :).”

Si Bandido ang umuukupa ng napakalaking parte ng buhay ko. Bukod sa pagiging asawa ko, siya ay isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan. Isa siya sa pinakamabait na taong nakilala ko at nagpapasalamat ako na siya ang naging kabiyak ko. 🙂


Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy na may temang “Dalampasigan”.

Ang litratong ito ay kuha sa La Perouse (New South Wales, Australia) kung saan isang araw, kaming mag-asawa, kasama ng tatlo pa naming mga kaibigan ay namasyal sa napakagandang dalampasigang ito.

Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy na may temang “Sa gawing Kanluran”.

Ngayong tapos na ang World Youth Day 2008 (WYD08), itong souvenir na ito kung saan may larawan si Pope Benedict XVI ang laging magpapa-alala sa akin ng napakasayang experience ko ng WYD08. Hinding-hindi ko makakalimutan na nakita ko sya nang dahil sa sa okasyong ito.

Litratong kuha noong 17 July (Pope’s Motorcade in Sydney)