

Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy ngayong Huwebes na may temang
Ayaw ko!
Pagdating sa photography, ayaw ko ng:
-
malabong kuha (blurred) na dulot ng camera shake
-
mali ang settings ng camera ko
-
mali ang composition ko
-
mali ang focusing ko
Kapag passionate ako sa isang bagay, gusto ko na tama ang ginagawa ko at ayaw ko na nagkakamali. Kaya pag pangit o mali ang mga kuha kong litrato, naiinis ako at nanghihinayang dahil may mga pagkakataon na minsan ko lang makakukuhanan, mali pa pala ako.
Ang asawa ko ang aking mentor/coach pagdating sa photography. Kahit minsan ay napagsasabihan ako ng asawa dahil madalas akong magkamali sa pagkuha ng litrato, natutuwa at nagpapasalamat ako na pinagtya-tiyagaan niya akong turuan.
Sana balang araw, maisaulo kong lahat ng dapat kong malaman sa photography para maiwasan ang nga reject ng litrato ko.
Maligayang Huwebes!


14 Comments
Dyes
naku, perfectionist ka pala! pero tama lang yan para hindi ma-promote ang mediocrity 🙂
happy LP!
julie
Ok lang yun, pagdating sa pagkuha ng larawan anyway kahit ilang daan pde kumuha di ba 😀 Di gaya dati up to 12 or 24 or 36 shots lang per roll 😀
Em Dy
Buti na lang digital na ang mga kamera. Madaling mag trial and error. But don’t be too hard on yourself. Sometimes thinking too much takes out the fun in the situation.
Norm
cute naman saka I like it..
Jay
korek ka jan ate!!!!!!!!!!
kasi nakaka ubos ng memory space yung pangit na kuha AT!!!!! sayang yung moment, alam naman nating lahat na ang isang litrato ay isang “snapshot” lang (1/30 of a second) ganun ka bilis mawala 🙁
masayang huwebes, eto po ang akin
http://agent112778.blogspot.com/2008/08/lp22-ayaw-ko-reject.html
sardonicnell
before i red your entry, akala ko eh takot ka sa kangaroo. hehehe! pero in fairness hah, maganda naman ang kuha mo. happy thursday!
Jeanny
hahaha..kala ko nga rin takot sa kangaroo, hehehe
Ako rin madalas ako magkamali sa pagkuha ng pikture nd ko pa kc gamay ang camera ko.
Happy LP 🙂
lino
hehe, ako rin ayaoko pag pangit ang kuha ko…. 🙂
+ Liz +
wow kanggaruu! hindi pako nakakakita nyan sa tunay na buhay….
caryn
akala ko sabi ng kangarro “ayaw kogn pakuha ng picture!” wahahaha! 😉
toni
inisnab ka ni kanga! 😛
Dr. Emer
mahirap talagang kuhanan ang animals. same with kids and sports events. but where there’s a will, there’s always a way.
happy lp!
walkonred
kala ko sa kangaroo! sa pagkuha pla ng litrato… pareho tayo!
http://whenmomspeaks.com/2008/08/lp-ayaw/
ces
oo nga, ako rin kaya lang d ako marunong mag set ng mga focus focus na iyan..hehe, trial and error lang talaga:)sa aking point and shoot camera…btw, i think i accidentally deleted your comment that was filed in my spam folder..sorry:) but thanks!