Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy ngayong Huwebes na may temang ASUL.
Si STITCH na mula sa sikat na cartoon movie na “Lilo and Stitch” ay isa sa mga paborito kong cartoon character.

Ito ang pinaka-una kong Stitch na stuffed toy. Nang minsang nagkasakit ako at nang dumalaw ang aking ex-boyfriend (na ngayon ay asawa ko na) sa aming bahay, sinorpresa niya ako sa pamamagitan ng pagbigay nito. Hanggang ngayon na mag-asawa kami ay katabi namin ito matulog.

Ang pangalawa kong Stitch na bagay ay galing pa rin sa aking asawa. Ito ay isang key chain na binili nya sa isang souvenir shop sa Hongkong Airport nang siya ay mag-stop over mula Maynila papunta sa Dubai. Ito rin ang isa sa mga bagay na nagpapaalala sa amin na kami ay dumanas ng long distance relationship.

Ito namang Stitch na ito ay regalo sa akin ng aking pinsan na si Patrick. Espesyal ito dahil binili niya pa ito sa Hongkong Disneyland. Tuwang-tuwa ako nang matanggap ko ito dahil kahit munting bata lang (anim na taong gulang palang siya noon) ang aking pinsan ay nakuha niyang maalala ako.

Ang pinakahuling item sa aking Stitch mini-collection ay ang stuff toy na “Stitch and Angel” kung saan magkayakap si Stitch at ang kanyang kasintahan na si Angel. Nakita ko ito sa isang toy store sa Singapore nang kami ay mag-stopover doon last year. Pinapaalala naman nitong stuffed toys na ito na sa wakas ay magkasama na kaming muli ng asawa ko dahil nang mabili namin ito sa Singapore, pabalik na ako ng Sydney mula Dubai na kasama ang asawa ko.

Maligayang Huwebes!

20 Comments
imom
Ang kulit ni Stitch! I love the last photo…
Ang ganda naman ng mga kwento ng iyong Stitch collection. Inspiring!
julie
Gustung gusto dati ng panganay ko si Stitch, naglalaro pa siya ng DIsney online game nila.
Our dog Sparky was named after one of the characters in the movie 🙂
Blue Rose
wow naman! so, bawat isa pala sa kanina ay may sariling kwento. very inspiring. and i love the last photo ha.
M
mayroon palang girlfriend itong si stitch??? 🙂
RoseLLe
ganda ng koleksyon mo. gandang LP Huwebas mula po sa:
Reflexes
Living In Australia
na sana’y inyo ring madalaw.
Toni
STITCH! Ang cute cute niya!!! Paborito ko sa mga Stitch mo ay yun pangatlo. Pinakamukhang makulit eh! 😀
Happy LP!
Mauie
Cute naman talaga ni Stitch, di ba? Lalo pa pag nagsalita na!
thess
Ibyang ang cute ng koleksyones mo at sweet si mister ha
happy lp!
btw, i love your header…ganda!
ruthay
Naalala ko tuloy si Nadine Samonte…mahilig din siya ke Lilo and Stitch…
Keyword
Submit your Blog to our Newest PR 3 Web Directory for Bloggers. Visit KeywordDir.info
Joy
A Stitch Collection!!! Interesting… Type ko yung magkayakap
pining
ang cute naman ng stitch collection mo (and the story behind it)!
happy Huwebes 🙂
Mirage
Naiintindihan nyo ba ang salita nya? (Nobody gets left behind…) Cuties!
JO
hindi nagustuhan ng mga anak ko si stitch…
maligayang LP.
eto ang aking lahok.
Jay - agent112778
gusto ko yung magkayakap 🙂 and sweet kasi nila 😀
may fond memories ako sa isang maliit na CP chain (nasa cellphone kasi wala sa keys =)) ) kay na alala ko tuloy sya :”>
eto aken lahok
at eto pang isa
magandang araw ka-litratista 🙂
Salamat sa pagbisita 🙂
ces
hehe! d maikakailang peborit mo si stitch ha! ang cute nung huli! kulit!
jeanny
cute ni stitch. Very cute ng collection na ito ah!
Happy Weekend sistah!
Buge
Nice collection! Ang cute ni Stitch!!!
Anonymous
i really love your collection! I Wish na sana mgkaroon din ako ng mga ganyan. 🙂
Stitchloversihannah
i really love your collection! I Wish na sana mgkaroon din ako ng mga ganyan. 🙂