Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy na may temang KINAGISNAN.
Ang dalawang bagay na kinagisnan ko mula pagkabata:
(1) Ang pagbasa ng libro araw-araw

(2) At ang madalas na pagkain ng gulay

Utang na loob ko sa mga magulang ko na pinalaki nila akong busog sa mga aral na dulot ng mga libro at malusog nang dahil sa pagkain ng gulay.
Maligayang Huwebes!

20 Comments
reyna elena
“Why men marry bitches”
HAK HAK HAK HAK Makabili nga nang kopya!!! hahaha
spiCes
aba’y maganda iyang kinagisnan mong iyan! ipagpatuloy mo:) gusto ko nyang gulay na iyan ngayon!
thess
Ibyang buti ka pa araw-araw nakakapagbasa ng libro!
sarap naman ng gulay! bagay sa kanin sa LP site (^0^)
Junnie
buti ka pa, kinamulatan mo ang pagbabasa at pagkain ng masasarap na pagkain…sana lahat ng bata ganun din noh? Ano kaya ang pwede nating gawin para lahat sila ganyan din ang makagisnan sa paglaki…
peram ng libro.
Joy
Wow, hanggang ngayon nakakapagbasa ka pa rin ng libro? Dati ako din madalas makapagbasa. Ngayon di na. La na oras. Gandang mga lahok.
Eto ang akin: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2008/11/lp-kinagisnan.html
shutterhappyjenn
Ang ganda ng seleksyon ng mga aklat! Nakakalungkot na dahil sa hirap ng buhay namin noon, hindi kami nagkaroon ng pribilehiyong makapagbasa ng mga aklat.
Eto ang aking lahok, and eto naman ang lahok ng aking kapatid. Magandang araw ng Huwebes!
Maver
oh my gulay! impressive ang seleksyon ng mga aklat 😀
ang aking lahok naman dito:
http://maver.wifespeaks.com/2008/11/lp-31-kinagisnan.html
Toni
Two things that are good for the mind! Reading and veggies. 😀
Ibyang
@reyna: go na at buy sa Amazon 🙂
@spiCes: sana maipamana ko rin sa mga magiging anak ko.
@thess: di ako makatulog kung di magbabasa ng libro.
@junnie: ang natatandaan ko matyaga ang nanay ko na basahan ng libro bago matulog at pagdating naman sa pagkain ipinamulat nya na kung anong nasa mesa, yan na at bawal pang maghanap ng iba.
@Joy: kahit saan ako pumunta parati akong may dalang babasahin, kungdi man libro eh dyaryo.
@shutterhappyjen: bawi ka na lang ngayon 🙂 o kaya ay manghiram sa library
@maver: salamat! 🙂 oh my gulay nga!
@toni: korek! food for brains indeed 🙂
fortuitous faery
hmmm….what a healthy lifestyle! sa utak at sa pangagatawan. 🙂
Marites
sang-ayon ako sa pagpapalaki sa iyo ng iyong magulang..busog sa utak at sa pangangatawan:)
cookie
napakagandang mensahe..sana nga lahat ng magulang ganyan ang pangaral sa mga anak 🙂
RoseLLe
mabuti ka pa at nahilig ka sa dalawang magagandang bagay na iyan…ang pagbasa ng libro at ang pagkain ng gulay.
sa pagkain lang ata ako nahilig eh…hehe.
narito po ang sa akin: Reflexes at Living In Australia
pining
sang ayon ako, ang pagbabasa ay mahusaty na makagisnan, pati na rin ang pag kain ng masusustansiyang gulay 🙂
happy lp sa’yo and I added you na in my blogroll… thanks 🙂
pao
isa yata yan sa masasayang part ng childhood ko din, yung bagong-diskubre ko lang ang wonders ng pagbabasa. paborito ko noon yung adventures ni tom sawyer. 😀
happy LP
(mukhang masarap ang gulay!)
JO
uy, Noli me Tangere…
Eto ang aking lahok. Salamat.
witsandnuts
The first time I ‘met’ Why Men Marry Bitches was in last year’s International Book Fair. There’s also Why Men Love Bitches, Why Men Don’t Listen and Women Need More Shoes, etc. And oh, you still have the Noli Me Tangere!
I only learned to eat veggies during college. Thanks to my friends who influenced/forced me to try it. =)
mirage2g
Ay, nice!Yan din ang sinasanay ko sa mga bata dahil ganyan din ang kinagisnan ko, healthy ka pla sis! Happy late LP!
Ibyang
@fortuitous faery at marites: salamat!
@pining: salamat! 🙂
@pao: ako naman paborito ko noon ang nancy drew books
@jo: isa sa mga paborito kong aklat
@witsandnuts: buti na lang at pinilik ka ng mga kaibigan mong kumain ng gulay
@mirage2: maganda nga na ganyan ang gawin sa mga bata 🙂
salamat sa mga dalaw ninyo!
Munchkin Mommy
napakainam ng iyong nakagisnan. kaya namang sinisikap ko ring makahiligan ng husto ng aking anak ang pagbabasa at pagkain ng gulay. 🙂