
Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy na may temang Tatak Pinoy.
This is my entry to Litratong Pinoy’s theme Tatak Pinoy.
Nang huli akong magbakasyon sa Pilipinas noong Disyembre 2006, natuwa akong makakita muli ng mga Jeepney. Nang tumira ako sa Sydney, hinahanap-hanap ko ang pagsakay sa Jeepney: ang makukulay nilang hitsura, ang ingay nito, ang pagsabi ng “Para sa tabi” at iba’t-ibang klase ng karakter ng mga drayber.
*Litratong Kuha sa Greenbelt, Makati, 29 December 2006.

The last time I vacationed in the Philippines in December 2006, I was happy to see Jeepneys again. When I lived in Sydney, I missed getting on Jeepneys: its vibrant colours, the noise it makes, the way I say “Please pull over” and the different character-types of drivers.
*Photo taken at Greenbelt, Makati, 29 December 2006.

19 Comments
Pinky
Ganda naman ng “contrast” ng pulang jeepney against the otherwise monochromatic background. Nice shot, Ibyang!
luna miranda
Ang ganda ng kulay ng jeepney mo.:)
jennyL
ay ang cute at may coke pa sa bubong ng jeep.. hope you are enjoying your winter there.. regards
ettey
ibang klase talaga ang pinas ano! daming makukulay na bagay, gaya na lang ng jeepney na yan! ^_^
Mitch
Dito sa amin sa Olongapo iba iba ang kulay ng jeep depende sa lugar. Sa lugar namin ay dilaw.
maver
litaw ang kulay at ganda! paborito ko ang kulay pula!
happy lp!
ShutterHappyJenn
Ang ganda ng jeep, may softdrinks pa! Hehehe!
Ang aking lahok ay naka-post na rin sa aking blog:
Shutter Happenings.
Sana makadaan ka rin!
Surfergirl
ganda ng kulay ng jeep, pulang pula. miss ko na rin ang mauusok at humaharurot na mga jeepney!
betchay
oo ang jeepney ay tunay namang tatak pinoy… sayang at wala ng sarao…
Eds
ay oo nga parehas tyo ng entry sis! mganda rin ang pagkakuha mo dito ha…
hanggang sa muli! π
anj
hehe. iba rin talaga ang charm ng jeepney. noyping-noypi!
Joy
Ganda ng kuha mo. Pinoy na pinoy nga naman ang jeepney!
Salamat sa pagdalaw sa LP ko!
pining
ang ganda nga nang kuha mo π
sana dito may jeepney din!
Dr. Emer
Galing ng kuha mo! Tama ka, ang jeepney ay tunay na tatak Pinoy. Sa Makati, airconditioned ang mga piling jeepney na bumibiyahe puntang Ayala— pang-turista.
lidsΓ
nice shot!
magandang araw sa’yo!
MommyBa
ang galing ng pagkakakuha. buhay na buhay ang kulay!
happy weekend!
strawberrygUrl
stand out ang jeepney, red na red. nice! π
Teys
may ganyan pala sa makati no – ung may coke sa ibabaw π coke light kaya yun?
happy lp!
Ibyang Sanchez
maraming salamat sa inyong lahat sa pagsakay sa aking jeepney!!! π