1.Marunong ka bang magluto?
– oo

2.Kumakain ka ba ng ampalaya?
– oo, isa ito sa mga paborito kong gulay

3.Anong mas gusto mo, Mcdo or Jollibee?
– McDo. Love ko ‘to 🙂

4.Anong madalas mong inoorder sa number 3?
– Cheeseburger meal at 6-piece Nuggets

5.Mahilig ka ba sa maanghang?
– oo, kailangan parating may hot sauce sa bahay

6.Nahilig ka ba sa scrambled?
– kung ang tinutukoy mo ay ang scrambled na binebenta sa kalye, yung kulay pink na nakaka-tonsilitis, hindi.

7.Anong mas gusto mong sawsawan ng fishball, ung matamis o ung maanghang?
– yung maanghang

8.Anong paborito mong sangkap ng halo-halo?
– leche flan at nata de coco

9.Sumusunod ka ba sa instruction ng isang recipe?
– hindi. binabase ko sya sa panlasa ko at nang mga kakain nito

10.Anong kakanin ang gustong gusto mong kainin?
– kutsinta at suman

11.Bumibili ka ba ng samalamig na may sagong maliliit?
– oo, miss ko na nga yun eh kaya sa bahay gumagawa na lang kami nito

12.Banana-q o Turon?
– banana-Q

13.San ka madalas kumain ng tapsilog?
– Tapa King

14.Nasarapan ka ba sa Pearl Cooler?
– oo, pero nang uminom ako nyan, bigla akong nilagnat kaya di na ako umulit

15.Thick crust or Thin crust?
– Thin crust

16.Kinakain mo ba ung taba na nasa dulo ng pork bbq?
– minsan

17.Bumibili ka ba sa manong na nagtitinda ng tuhog tuhog na mangga at singkamas?
– nung high school ako, bumibili ako nyan sa labas ng school namin tuwing uwian

18.Catsup ba o Mayonnaise ang sawsawan mo ng French fries?
– wala

19.Ano ang madalas na Special Order request mo kapag umoorder ka sa fast food restaurant?
– less ice sa iced tea hehehe.

20.Dine-in or Take-out?
– dine-in

21.San ka nakakain ng masarap na sisig?
– sa Dencio’s (Phils) at sa Lutong Bahay (dito sa Sydney)

22.Ala Carte or Set Meals?
– Ala Carte para pwedeng mag-share

23.Mahilig ka bang mag-softdrinks?
– hindi talaga ako umiinom ng softdrinks, iinom lang ako pag yun ang si-nerve ng host kasi nahihiya akong humingi ng tubig

24.Kumakain ka ba ng nakakamay?
– kapag dapat kamayin ang nakahain na pagkain nagkakamay ako

25.Anong paborito mong ipalaman sa tinapay?
– corned beef sa pandesal, tuna naman kung normal bread

26.Nakakain ka na ba ng adidas at ulo ng manok?
– yung adidas nakakain na, yung ulo ng manok hindi pa

27.Tinatabi mo ba yung komiks sa bazooka?
– oo!!! dati collection ko ito nung bata ako. kaya ako mahilig bumili ng bazooka bubble gum dahil sa komiks.

28.Chicharon or Fish Cracker?
– chicharon na isa-sawsaw sa sukang maanghang

29.Bumibili ka ba nung laruan na may candy sa loob?
– oo…kasi nae-excite ako kung ano yung candy sa loob ng laruan

30.Nakatikim ka na ng kwek-kwek?
– yeah!!! meryenda ko ‘to parati sa office nung nagwo-work pa ako sa Makati

31.Kinakain mo ba ung sisiw na nasa balut?
– hindi. takot ako eh.

32.Nagmimidnight snack ka ba?
– ang midnight snack ko 8 or 9pm hehehe…maaga kasi ako natutulog eh.

33.Malakas ka ba sa kanin o sa ulam?
– bina-balanse ko eh. dapat sa bawat subo ko sapat ang kain at ang ulam

34.Champorado o Lugaw?
– lugaw with tokwa’t baboy

35.Cheese Ensaymada o ung plain lang?
– cheese ensaymada para espesyal hehehe

36.Boy Bawang o Cornbits?
– boy bawang!

37.Kapag Wet Goods, Grocery o Palengke?
– sa grocery na lang.

38.Anong part ng manok ang paborito mo?
– thigh

39.Nasubukan mo na bang iulam ang chippy?
– hindi pa…ma-try nga minsan

40.Curly Tops o Nips?
– curly tops

41.Anong paborito mong luto sa itlog?
– sunny side up

42.Kumakain ka ba ng dinuguan?
– pag alam ko kung sino ang nagluto, kailangan ko kasi malaman na malinis ang pagkakaluto ng dinuguan so tinatanong ko muna kung sino ang nagluto.

43.Cold drinks o hot drinks?
– sa ngayon, parang mas madami akong iniinom na hot (coffee and tea)

44.Ginagawa mo din bang lipstick ung cherry ball bago mo kainin?
– oo. nung bata ako, trip namin to ng mga kalaro ko para kunwari naka-lipstick kami

45.Hany o Chocnut?
– chocnut

46.Anong pagkain ang binibili mo pagktapos mong magsimba?
– wala

    2 Comments

Comments are closed.