Memes

For my first entry to the Lunch Box Meme, I will share with you how I made a Grilled Chicken Wrap for our baon today.

Grilled Chicken Wrap

I used Tortilla Wraps for the wrap, grilled chicken and spinach and rocket leaves as ingredients.

Wrap and veggies

First layer: Spinach and Rocket leaves

added the grilled chicken

Second layer: Grilled Chicken

added banana ketchup

Third layer: Sauce (in this instance, the husband requested for Ketchup)

wrap with in foil

Roll the wrap in foil.

🙂

See The Filipino Mom Blog for more.

Pinoy Top Ten: Sampung Magagandang Lugar Sa Pilipinas Na Napuntahan Ko

1. Manila – dito ko nakita ang isa sa pinakamagandang sunset.

2. Baguio – isa sa mga relaxing na lugar na napuntahan ko.

3. Cebu – ang aking 2nd home next to Manila. Dahil sa sobrang dalas ng pagpunta ko noon dito (ng dahil sa trabaho), napamahal na ang Cebu sa akin.

4. Boracay – white sand, party by the beach at night

5. Bohol – isa sa mga lugar na at-home ako

6. Makati – kung saan ako nag-trabaho at kung saan ko nakilala ang asawa ko

7. Batangas – beaches and kayaking!

8. Bicol – isa sa mga lugar na at-home din ako

9. Ilocos Region – Pagudpod, Laoag, Vigan–mga ilan sa mga lugar na namangha ako nang ako’y bumisita dito

10. Davao – Pearl Farm!

Kamusta Ako?

24 October 2008 0 Comments Category: Memes

Tagged by Eve (salamat!). According to Eve’s blog, kailangan ko daw isulat kung kamusta ako ngayon, pero dapat 10 ang sagot ko, hehehe. Puro something about 10’s yata ang entries ko since yesterday. O sige, eto ang sagot ko:

1. Feel kong mag-taglish ngayon kahit sa totoong buhay eh ayoko nang nagsusulat at nagsasalita ng tag-lish in one sentence. Pero dahil Friday (anong connect?) at pagod ako today, magsusulat ako na parang sumusulat ng email sa isang kaibigan.

2. Mabuti naman ako. Recovering from my ubo (nung Monday sipon lang eh, pero meron na rin akong ubo ngayon) and pharyngitis. I’m really trying to get well as soon as I can.

3. Busy-busyhan sa trabaho. Ewan ko ba at matapos lang akong mawala ng tatlong araw eh na-doble ang trabaho ko bigla. Pagbalik ko nung Wednesday, nadagdagan ang mga trainees na aalagaan ko. Que horror. Kinausap ako ng boss ko yesterday, tinanong niya kung okay lang daw ba. Eto ang sagot ko kanya, “We can survive (we pertaining to our team), yes. We can do it, yes. But there will be delays in some deliverables.” Oh ha? Ang taray! Bakit ba? At least alam niya.

4. Kumakain ako ng Pandesal with Cheez Whiz at umiinom ng green tea habang nagsusulat nitong meme na ito.

5. Nakakain ako ulit sa Pepper Lunch kagabi!!! Yehey! 🙂 For the first time, I got to try their Beef Pepper Rice. Daming kanin, konti lang ang beef. I therefore conclude na bitin sa beef ang Pepper Rice nila. At isa pang conclusion, hindi ako makatagal ng isang buwan na walang Pepper Lunch.

6. May dalawa pa akong tag/meme na hindi nagagawa. Sa weekend sana magawa ko na.

7. Ang dami kong gustong isulat tungkol sa mga bahay eklavu, as in. I really want to write stuff about home management especially now that I’m managing our own home. I’ve got about two drafts already but I haven’t got the time to sit down and work on it.

8. Okay naman ang bahay-bahayan namin ni Husband. Hindi pa kami kumpleto sa gamit. Sa totoo lang, wala kaming lounge room hehe. Kasi ang tanging furniture namin para sa living room area ay ang 2-seater sofa na bigay ng aking tita. Ang aming bedroom ay Japanese style, kasi may mattress kami pero walang bed frame :). Wala rin kaming mga electronics chuva tulad ng TV, DVD at stereo. Halos lahat ay nagtataka kung bakit wala kaming TV. Eh lalo kaming nagtaka sa mga nagtanong kasi hindi naman kami mamamatay kung walang TV. Ang guest room namin ay storage room dahil nandun lahat ang mga nagkalat na boxes at luggages. Ang plano namin ay per area ang pag-ayos ng unit namin. Kaya kung wala pa kaming pambili ng iba pang furnitures, okay lang. We believe that what we have now are enough because what we have are the essentials. At kung magkaroon kami ng housewarming, bring your own chairs hehehe.

9. Anniversary ko dito sa trabaho last Wednesday. One year na pala akong “officially” nagse-serve sa taong-bayan ng New South Wales.

10. Bukas ay my Wine Tasting Adventure kami ni Husband. From morning til afternoon may wine tasting kami. Sana hindi kami ma-lasheng.

Okay, kailangan ko daw mag-tag. I tag: Armi, Frances (chylle), Pizzi, Jo, Gracey, Gneth, Ice, Joy (efrenjoy), Alyn and Maryan.

Happy Weekend!

Pinoy Top Ten: 10 Bagay Na Aking Pinagmamalaki Bilang Filipino

1. Tayo ay magalang lalo na sa mga nakakatanda, tinuruan tayong magsabi ng “po” at “opo” ng ating mga magulang.

2. Tayo ay masayahin, kaya nating tawanan ang kahit anong problemang ating hinaharap.

3. Tayo ay maka-Diyos.

4. Tayo ay mapagmahal sa pamilya, kamag-anak at kaibigan. Natural sa atin ang maging mapagbigay at matulungin sa ating mga mahal sa buhay.

5. Tayo ay masipag at matiyaga, kahit nahihirapan na ay kaya nating magtiis.

6. Tayo ay madaling mag-adjust sa mundong ginagalawan natin.

7. Ang likas na yaman ng ating bansa tulad ng mga dalampasigan, bundok at kagubatan na dinadayo pa mga turista.

8. Tayo ay matatalino at magaganda (naks!).

9. Na sa tuwing may makakasalubong tayong kakilala ay tatanungin natin sila ng “Kumain ka ba?” Tayo ay thoughtful sa ganung paraan.

10. Na ang bawat Filipino ay nagmamahal sa kanyang bansa kahit saan man siya naroon.

marami pa dito: http://pinoytopten.wordpress.com/