Litratong Pinoy

Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy na may temang KINAGISNAN.

Ang dalawang bagay na kinagisnan ko mula pagkabata:

(1) Ang pagbasa ng libro araw-araw

(2) At ang madalas na pagkain ng gulay

Utang na loob ko sa mga magulang ko na pinalaki nila akong busog sa mga aral na dulot ng mga libro at malusog nang dahil sa pagkain ng gulay.

Maligayang Huwebes!

Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy na may temang KADILIMAN.

Ito ang view na kasalo namin sa tuwing kakain kami ng hapunan sa aming munting tahanan. Kapag maganda ang sikat ng araw during the day, ganito ang kulay ng langit kapag palubog na ang araw. Sobrang ganda diba? Nakaka-relax talaga at nasasambit ko ang mga katagang, “Salamat sa Diyos at nakauwi na ako.”

Maligayang Huwebes!

This is the view we have at home during dinner time. When the sun shines brightly during the day, this is the colors that you will see in the horizon during sunset. It’s so beautiful, isn’t it? The view is relaxing and always make me say, “Thank God I’m home.”

Happy Thursday!

Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy na may temang LIWANAG.

Mahilig ka ba sa kandila? Ako, oo. Pag-brownout (black out/biglang nawalan ng kuryente), gustong-gusto kong pagmasdan ang liwanag na dulot ng kandila. Para sa akin, ang pagsindi ng kandila ay simbolo ng katahimikan, pag-iisip o pagpapahinga.

Maligayang Huwebes sa inyong lahat!

Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy ngayong Huwebes na may temang Aking Kompyuter.

Ito ang espesyal kong laptop dahil bukod sa ito pinakauna kong laptop, ito ay Pamaskong regalo ng aking asawa noong 2006. Marami na ang napuntahan itong kompyuter ko: Pilipinas (Manila, Bohol, Cebu, Boracay), Hongkong, China, Dubai, Singapore at Australia, dahil sa tuwing nagta-travel kami ay kasama namin siya.

Maligayang Huwebes sa inyong lahat!