Litratong Pinoy

 

Siya ang isa sa mga estranghero na nakikita ko sa lungsod ng Sydney. Siya ang tinatawag nating “shoe-shine boy” o taga-linis ng sapatos. Ako’y napahanga niya sapagkat kahit madalang na may umuupo sa harapan niya para magpalinis ng sapatos, siya ay matiyaga pa ring naghihintay at magiliw siyang magsilbi kapag naman may nagpapalinis ng sapatos sa kanya.

Maligayang Huwebes!



For translation, click here.

Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy ngayong Huwebes na may temang MAAGAP.

Ganitong oras ako gumigising tuwing ako’y may pasok sa opisina.

Kami ay may alarm clock, pero mas sanay na ako ngayon na gamitin ang alarm feature ng aking mobile phone

Pwede naman akong magpa-tanghali ng gising dahil flexible time kami sa opisina pero masasabi ko na ako ay isang “morning person”. Pag maaga akong dumarating sa opisina, mas productive ako at mas focused sa trabaho. At bilang isang wifey, mas gusto ko rin kasing nakakauwi nang mas maaga (alas-kwatro ng hapon) para mas maaga akong makapaghanda ng hapunan at mas maaga rin akong makapahinga sa bahay.

Pag nag-alarm na ang aking mobile phone, babatiin ka pa niya ng isang masayang umaga!

Kayo, anong oras kayo gumigising pag merong kayong pasok? Share naman dyan πŸ˜‰

Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy ngayong Huwebes na may temang MIRIENDA.

Ang Vanilla Cupcake at Green Tea ay isa sa mga pagkain at inumin na minsan kong kinakain tuwing mirienda. Gusto ko ang kombinasyon nitong dalawang ito dahil sweet na sweet ang dating ng Vanilla Cupcake habang ang Green Tea naman ay refreshing kahit ito’y mainit.

Maligayang Huwebes!

Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy ngayong Huwebes na may temang ALMUSAL.

Halika na pumikit limutin ang problema
Hihintayin ang umaga
Magpahinga, panaginip ang ikaliligaya
Darating din ang umaga

Chorus:
Basta’t tayo’y magkasama
Laging mayro’ng umagang kay ganda
Pagsikat ng araw
May dalang liwanag
Sa ating pangarap, ooh…
haharapin natin (haharapin natin)

Magpahinga, panaginip ang ikaliligaya
Darating din ang umaga

Chorus:
Basta’t tayo’y magkasama
Laging mayro’ng umagang kay ganda
Pagsikat ng araw
May dalang liwanag
Sa ating pangarap, ooh…
haharapin natin (haharapin natin)

Bridge:
Ang sikat ng araw
Na may dalang liwanag

Chorus:
Basta’t tayo’y magkasama
Laging mayro’ng umagang kay ganda
Pagsikat ng araw
May dalang liwanag
Sa ating pangarap, ooh…
haharapin natin (haharapin natin)

Umagang Kay Ganda, OPM Song