Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy ngayong Huwebes na may temang MAAGAP.

Ganitong oras ako gumigising tuwing ako’y may pasok sa opisina.

Kami ay may alarm clock, pero mas sanay na ako ngayon na gamitin ang alarm feature ng aking mobile phone

Pwede naman akong magpa-tanghali ng gising dahil flexible time kami sa opisina pero masasabi ko na ako ay isang “morning person”. Pag maaga akong dumarating sa opisina, mas productive ako at mas focused sa trabaho. At bilang isang wifey, mas gusto ko rin kasing nakakauwi nang mas maaga (alas-kwatro ng hapon) para mas maaga akong makapaghanda ng hapunan at mas maaga rin akong makapahinga sa bahay.

Pag nag-alarm na ang aking mobile phone, babatiin ka pa niya ng isang masayang umaga!

Kayo, anong oras kayo gumigising pag merong kayong pasok? Share naman dyan πŸ˜‰

    4 Comments

  1. buttonsandpins

    Body clock ko na ang magising ng 7:30 AM(pero 8 ako bumabangon, out of bad habit)… 11:00 AM- 8:00 PM kasi ang shift ko…

    pero kung kinakailangan naman, nagigising ako (ikaw ba naman ang yugyugin ni mama ko, ewan ko lang kung di ka din mapabalikwas)

    p.s. di ako nagigising sa tunog ng alarm clock

CommentsYour thoughts are important to me. Thank you for taking time to leave a message!